May pinuntahan akong kasal dito sa HK nung sabado. Isa sa mga witnesses ay isang lawyer. Ewan kung pa'no nagsimula... pero nabanggit nya na kahit legally married na ang isang tao sa pinas, pwede pa din syang magpakasal sa hk at maging legit un. Basta syempre sa hk marriage registry, hindi sa phil consulate. Tapos wag daw dadalhin sa pinas. Kase pag nagkataon pwedeng kasuhan ng bigamy.
Hmmm... wala naman. Pwede pala un. Kaya lang di ko na kelangan e. di na applicable ngayon. Pambibitter aside, buti na lang! hahahaha! If I want to get married I want all the drama! Ayoko ng 2 minute ceremony. Iba iba lang siguro yan... pero for me gusto ko talaga magsuot ng wedding gown tapos maglakad sa aisle tapos feeling ko ang ganda ganda ko! Maiiyak siguro ako sa lungkot kung 2 minute monotone ceremony lang ang mangyayari sa inaasam ko buong buhay ko. I would rather wait for the right person kesa magkasya sa 2 minute ceremony.
Nga pala, b didn't greet me on my bday. Medyo disappointed ako ng bahagya pero I got over it quite soon. Labing limang tao ang kapalit and it turned out to be the best bday ever. Pinadelete ko na din sya sa friends ko sa facebook para di ko na sya ini-istalk. Dati I log in using e's account just to see kung ano na ginagawa nya. Or kung may babae ba syang nililigawan ngayon. Now I could not be bothered. Siguro tama lang na di nya ko ni-greet.
I am getting more and more comfortable being alone now. Tsaka nagiging responsible na ko. I cook proper food (as in di lang prito prito), I sweep the floor of the flat, I throw the garbage away... all the works! Everything na dati inaasa ko sa kanya. So this is turning out to be for the better after all. v(^v^)v
No comments:
Post a Comment