Thursday, July 16, 2009

time flies. so quickly and so fast...

hehe... part yan ng grad song namen nung high schoool.

three years na pala ako sa hk! exagg! tatlong taong buhay ofw. tatlo! dumating ako dito 22 pa lang ako. medyo kakatapos ko lang ng kolehiyo. ngayon 25 na ko at magtu-26 sa susunod na buwan. sabi ko dapat sa susunod na taon, nakapag-asawa na ko. un ang plano ko nung di pa ata ako nireregla. grabe, dito na pala ako tumanda.

mahigit isang libong araw na pala ang binubuno ko sa makalat kong mesa sa opisina. sa maliit kong kama. sa pervert na lobby guy ng bldg. sa masungit na panadera sa kanto. haaayyy.. tatlong taon.

mahirap kumita ng pera. sagaran ang trabaho hanggang wala ka ng ibang gawin kundi maiyak. minsan naiisip mo magsimula sa pinakaumpisa. mag-isip. gumawa ng wala. magtinda sa sari sari store ng nanay.

pero ganun talaga. tira lang ng tira. kung hindi kaya, kayanin pa din.

happy anniversary to me! kaya siguro sinayaw namin ang 'nobody' sa gym -- twice! para sumaya daw ako! aaaaahhhhh! feel na feel ko talaga ang pag-indak e!