Tuesday, July 21, 2009

b's day

i am the most difficult person to put up with. as in kahit ako kung isyosyota ko sarili ko, siguro maggigive up din ako agad.

super dami kong mood swings. minsan feel kong magpakaserious at mairita sa senseless na mga bagay. minsan daig ko pa ang tinedyer kakakilig sa nababasa, napapanood, naririnig, nachischismis etc. ang dami kong feel na idrama sa buhay. minsan kahit nanahimik na or wala namang gulo, pinapalaki ko pa din. paranoid din ako. natutuwa ako kapag disorganized ang gamit ko. di ako marunong magluto. napakakuripot ko. nagger ako most of the time. ang taba ko pa!

minsan hindi ko din maintindihan kung pano ako natitiis ni b. siguro maganda at malakas lang talaga dating ko. haha! kidding aside, you have to give it to him. ang tagal na pala namin at di talaga sya nagpapatinag sa kaartehan ko.

b, you've been my number one fan, cook, cleaner, luvah, soulmate. apart from our different taste in music (im sorry di ko talaga pagpapalit ang pop at rnb), halos magkapareho na tayo ng interests. i never get disappointed when i invite you to this and that event or outing. feeling ko may mga couple na nagkakahiwalay kase di talaga sila magka-vibes. kahit ako maiinis kapag ang syota or asawa ko, ayaw man lang ako samahan sa place na super excited ako. nakakasira ng araw, nakakasira ng relasyon. i respect individuality pero kung kakasamahin mo na, aba, mas maganda naman kung pareho kayo ng gustong kainin, puntahan, gawin.. thanks for supporting me 110%. kahit alam kong antok na antok ka sa public reading ng noli, sinamahan mo pa din ako at kinuhanan ng video. kahit nakakapaso ang init ng araw, sumama ka pa din sa outing ng enrich para may photographer kame. di mo ko pinipigilan sa gusto kong gawin sa buhay ko kahit alam mong less time na un for you. tinulungan mo ko magfiling. pinagluluto mo ko ng masarap na lunch and dinner every weekend. pinangdodownload mo ko ng movies na gusto ko.. aaahhh... i can go on all day mentioning the things that make me want to love you more.

maligayang kaarawan! two years na lang tanda ko sayo.

No comments: