1) Buti na lang at hinigpitan ako ng nanay ko nung tinedyer ako, at nakapagconcentrate ako sa college. Alam mo tama lang un, kase at some point in your life magwawala ka din, mapapariwara. Pero di ba mas masarap ung magwala ka ng may pera ka? Ang corny naman na nagkasya ka lang sa gin bulag tapos un na un. Mas masarap ang uminom ng gin bulag pero sa Boracay, or sa Maldives! Imagine kung pinatulan ko ung mga may crush saken dati or ung mga crush ko, ilan na anak ko ngayon? Lumaki akong galit sa nanay ko, pero ngayon nagpapasalamat talaga ko sa kanya. Ung mga gabing umiiyak ako kase ayaw nya kong payagan magdisco, naiintindihan ko na sya. Ngayon kahit gabi gabi akong magdisco… paaak!!
2) Buti na lang nagkaroon ng crappy production nung high school, at nakahiram ako ng malong kay E at may bestfriend ako ngayon. Promise sya lang ung kumausap saken nung second year high school kame. Ewan, may pagka-siga or pagka-bully ang aura ko nun tapos galing pa ko sa notorious section nung freshman year. Pero sya talaga mabait tapos di madamot.
3) Buti na lang at di ko pinakinggan ang sabi sabi ng mga tao na mag-accounting ako sa college, at nag EL ako at masaya ako sa ginagawa ko. Gusto ko ng numbers pero for some reason, may munting tinig na nagsasabing EL ang kunin kong course. At walang pagsisisi. Siguro mas malaki ang sweldo ko ngayon , siguro hindi. Pero un nga, kung hindi ako nag-EL di ko makikilala ang 3 college superfriends ko. At di ako makakarating sa Spain, Mexico, Chile ng libre! EL I love you!
4) Buti na lang kinalimutan ko ang notion na delikado makipagkita sa complete strangers na nakakausap sa internet, at nakilala ko si L at pinakilala nya ko kay DJ at tuloy tuloy na ang grupo namin. Five years hence ang dami na namin. Fan ako ng small groups pero I like our group now kahit super laki. Mas marami, mas masaya. Sa ngayon 20 na kame. Pwede na kameng isang buong kumpletong klase. O di ba? Ang saya saya!
No comments:
Post a Comment