nakakatuwa naman, ok na talaga kame nung isang ex ko.. as in wala ng bitterness, wala ng awkward moments. totoo ung sinasabi nilang darating ang araw pagtatawanan mo na lang lahat ng crayola moments mo dati. at ito na un sa amin.
wala namang intensyon na maging bestfriends kame. pero at least di nagpapanting tenga ko pag naririnig ko pangalan nya. at nakakapag-usap na kame ng nagtitinginan sa mata at di nanginginig boses ko sa pagiging emo.
No comments:
Post a Comment