sorry you have to bear with me on this post. you can call it anti thesis to moving on, desperate, pathetic or whatever you call it. di ko naman ibig sabihin na gusto kong balikan si b. sa totoo lang masaya naman ako sa buhay ko. ang dami kong nilolook forward na mga bagay bagay. mas exciting pa nga buhay ko ngayon.it's the being loved i miss, not him.
minsan napapatanong ako: pucha bakit ung matabang kaklase ko nung high school na milya milya ang lamang ko, may asawa na ngayon? ako kahit prospect man lang wala? nakakaloka!
di naman ako pangit. fun pa ako kasama e. sobrang koboy din ako. kahit saan mo ko patulugin or kahit ano pakain mo saken di ako maarte. saka alam mo grabe ako magmahal. as in sayo lang iikot ang mundo ko. gigive up ko lahat. siguro sa lahat ng pinagdaanan ko isa lang ang msasabi kong proud talaga ako. wala akong regret. di ba minsan may mga taong nagsasabi na sana sinabi ko na mahal ko sya, sana nabigay ko to sa kanya, sana sana sana... ako di ganun. napakita ko sa kanila kung gano ko sila minahal habang kame pa.
anyway, baka kulang lang ako ng exposure. kase naman tatlong grupo lang nakikita ko buong linggo ko. officemates, gym mates, pinoy mafia. tapos medyo pahinga pa ko sa kakagimik. naubos kase pera ko kakabook ng flights. hmmmm... teka ano bang hobby ang pwedeng careerin nang hindi kamahalan. sabi ni kuya r mali daw ang maghanap sa bar kase di naman daw seryoso mga tao dun. bad investments kumbaga. kase nauubos pera mo tapos faulty lang ang returns. hmmm, aikido kaya? wargame? photography ulit? what to do what to do?
1 comment:
move on na kase hehehe
ballroom dancing.
Post a Comment