Friday, November 19, 2010

nanood ako ng I DO...

pucha winner si bernard! grabe ang mga punchlines. sa totoo lang fan talaga ako ng unrequited love. pag nanonood ako ng movie, gusto ko makatuluyan ng bida ung nagmamahal sa kanya ng walang humpay. at most of the time nakakatuluyan nya pa din ung isa pang bida na ilang beses na sya sinaktan. naiinis ako na parang may amnesia ata ang bida or sadyang bulag sya para di nya marealize na ito ung taong kayang ibigay ang mundo sa kanya. tsk tsk... true love nga naman.. sa lahat ng nabasa at napanood ko na ganito ang scenario, isang picoult novel lang ang naging ganito ang ending. at tuwang tuwa ako. ay mali, pati pala katorse!

sabagay ako din ganyan.. un nga lang ako ung tagabigay ng unrequited love.. wewe...emo na naman! pero seryoso bakit nga ba tayo mahilig magfall sa mga sira ulo? ako talaga aminado ako na trip ko talaga ung ganun. ewan ko ba.. parang enjoy na enjoy tayong ginagago tayo no? parang sarap na sarap tayong magbigay ng second chance, or third chance or fourth at ilang beses pa! may issue ba tayo sa ating self esteem? feeling ba naten di naten deserve ang maging carefree na pagmamahal? feeling ba naten di natin maaachieve ung ideal? or may messiahnic complex ba tayo? feeling ba naten kaya natin silang gawin mabuti at tahakin sa tamang landas?

basta ako lie low muna. i never felt so happy being single. i've got cool friends, i have a supportive family, and i got some money in the bank to spend for my weekend activities... who needs an intimate relationship? i have this sorta deal with a friend. loko loko lang pero alam mo ung feeling na... hmmm, pucha eto na sa wakas.. dami ko sana gusto sabihin about it pero... basta kung papakwentuhin mo ko about dun napakahabang post nun.

anyway, ito ang mga words of wisdom nung character ni janus del prado. galing lang ng metaphors e.





1) ang pag-ibig parang cellphone na nahulog sa toilet bowl. makukuha mo lang kung meron kang lakas ng loob



2) ang pag-ibig parang computer virus. sinisira lahat ng pinaghirapan mo.



3) ang pag-ibig parang dry ice. kung bibitawan mo lang wag mo na hawakan.



4) ang pag-ibig parang crispy pata. masarap pero deadly.



5) ang pag-ibig parang bill ng koryente. ang daming hidden charges wala kang laban.



6) ang pag-ibig hindi parang ATM machine. kuha ka ng kuha magdeposito ka naman.



7) ang pag-ibig parang taxi lang yan. ung iba namimili ng pasahero ako any point of luzon pwede.



8) ang pag-ibig parang multiple choice. ako lang piliin mo buka na bukas papakasal tayo.



9) ang pag-ibig parang bangaw na natrap sa coche. kahit anong bugaw mo di mo pa din mapaalis.



10) ang pag-ibig parang MRT. wag mo isiksik sarili mo kung wala ng lugar. may next train pa naman.



11) ang pag-ibig parang ipis na tinapakan. akala mo patay na, un pala buhay pa.



12) ang pag-ibig parang tinga. kahit anong sungkit mo nakabaon pa din.



13) ang pag-ibig parang multo. sabi sabi lang pero wala namang pruweba



14) ANG WINNER SA LAHAT: make a mistake with me. malay mo makatsamba ka sa maling choice

No comments: