sa aming 4 na magbebestfriends since high school... ako lang pala ang napag-iwanan pagdating sa relationship.
ung isa preggers
ung isa engaged
ung isa nasa 7 (or 8) years na sila nung bf nya
ako single. wala pang prospect.
kung tumanda man akong dalaga, ok lang. ang dami kong iispoil na inaanak! seriously, di ko nafeel na olats ako. basta alam kong i had the time of my life during my peak years. i traveled. i earned money. i met people. ang daming stress factor sa buhay at minsan nadadala ako at nagkakamali... pero sabi nga ng genius that is anne curtis (hahaha, sya pa talaga ang kino-quote ko), we have to do the mistakes while we're young. so we have our whole adult life to make it right. pak! mismo!
No comments:
Post a Comment