Thursday, February 11, 2010

new job

grabe super pagod nako ngayon. as in. after three and a half years of overworking, i have to immediately move out of my house and take care of all shemexes. three weeks na ko naglilipat at may mga gamit pa din ako sa old flat. you have no bloody idea kung ano ano na ang ginagawa ko palipat lipat ng hk-kowloon islands.

kwento ko muna new job ko. it's interesting, more tiring and way too challenging. but im somewhat excited. i dont know, maybe it comes with old age. all of a sudden nabababawan ka na lang being the more knowledgeable one in the pack. last time kong naramdaman to nung pumasok ako sa UP. i had a choice between staying with average minded people plus a scholarship, or be a paying student and compete with freshmen who came from more reputable schools. not necessarily compete, pero alam mo ung feeling na tingin mo super mas matalino sila sa yo at nahihirapan kang magkeep up? sila buong buhay nag-i-english, tapos ikaw panay english ang lowest subject mo nung high school. ganun ako ngayon sa new job ko. im working with super ambitious and agressive younger people. kahit alam mong lamang ka ng english sa kanila, alam mong di sila nagpapahuli at talagang gamay na nila ang buset na database na ang hirap i-master.

ito na lang iniisip ko: di baleng magpa-under ka sa kanila for the meantime. pasasaan ba't masasaulo mo din un. kesa naman habang buhay kang tinatanong kung kelan ginagamit ang 'sent' at 'send', or kung ano ang spelling ng 'equal'. seriously, magkakarespeto ka ba sa sarili mo kung ikaw nga ang pinakamatalino, pero ito naman ang kinukumpara sa yo?

at ito pa: i get to write and speak in spanish ALL THE EFFING TIME! as in! exagg, sobrang wala na ang spanish ko at kailangan ko syang i-revive. it's bloody scary, pero iniisip ko na lang... pasalamat na lang ako at nagagamit ko pa ung inaral ko ng apat na taon. siguro kung two years more na di ko sya nagagamit, wala na talaga. im enjoying writing the spanish emails so far. really.

at bago na ang flat ko. i feel bad that it's super tiny. i dont even have a decent place to hang my laundry. no extra space if i need to buy a washing machine or fridge. it's THAT tiny. i cannot even turn around when im taking a bath. it's THAT tiny.

but somehow i like it. it may be less convenient than before, but at least it's MINE. dati di kami pwede maglakad sa labas ni b ng sabay kase baka makita ng officemates ko at malaman na pinapapunta ko sya sa flat. dati kahit super pagod na ko on sunday evening kailangan ko pa din maglinis kase uuwi na ung housemate ko from shenzhen. dati pagpatak ng alas onse ng gabi, bawal na manood ng tv. pero ito, ngayon kaya ko na gawin lahat! as in lahat! un nga lang, kailangan ko magtipid ng koryente kase ako na magbabayad ng utilities. dati kase wala akong pakialam kahit buong araw bukas ang aircon, or nakalimutan ko patayin ang heater. buti na lang ilang dipa lang layo ng gym. dun ako naliligo 4 times a week. tipid din un sa koryente, tubig, shampoo at sabon. hehehe. malapit din sa library, so mas masaya! di ko pa nga lang napupuntahan.

so there... wish me luck! work's so demanding. my new colleagues work 12/hrs a day tapos naguuwi pa ng blackberry. pero kaya yan! positive. positive.

1 comment:

Unknown said...

Ikaw lang makakaisip na maligo sa Gym kasi libreng kuryente at sabon :)