Thursday, October 15, 2009

piolo! extra sam milby

ka-chat ko si kuya mike sometime august.

m: hey, we have a big event coming up. guess who are the artists coming
b: piolo pascual!
m: pano mo nalaman?
b: weeeehhhh?! seryoso? pls stop pulling my leg. it's wishful thinking.
m: hinde. sya talaga. kasama si sam milby
b: *bleep *bleep * bleep waaaaaahhhhh!!! oh my god, naihi ako sa sobrang excitement!

pag sinasabi nilang may dadating from pinas, i swear, si piolo talaga ang winiwish kong dumating. alam na nina kuya jong kung pano ako i-excite! just say the magic word at talaga aaliwalas ang mukha ko.

you see mahal ko na si piolo nung nagmomodel modelan pa lang sya sa glitter magazine kasama sina vince pinto, et al. wala pa syang movie nun at talagang starlet pa ang mga poses nya dun sa magazine na pinagpapalit ko for lunch nung high school. napanood ko karamihan sa mga movie nya. as in kahit nung katabaan pa si judy ann, kinikilig ako kase si piolo pa din un. kahit ipilit ng mga friends ko na bading sya, wala akong pakialam.

the night before the concert, nagguest pa sila sa radio station. promise un lang ang time na nakinig ako sa buong duration ng program. at eto pa: sinubukan ko pa tumawag sa hotline! imagine 30 mins kong sinusubukan makapasok, ayaw talaga!!! never kong ginawa un ever!

so there, mega hatak ako ng friends para sa concert. may mga nagsabing pupunta daw at sasamahan ako pero eventually walang sumama. pero kahit mag-isa lang ako, di ko palalampasin un. half a lifetime ko na syang minamahal! so bili nakong ticket, ung pinakamahal. sa tagal ng hinintay ko, pwede naman sigurong pagpaliban muna kakuriputan ko. paalis na lang ako, biglang tawag si kuya jong. as in ung papulbos na lang ako ng mukha at larga na. meron daw syang 4 compli tickets. gamitin daw namin ni b, basta isama ko ung friend nyang turista at dalhin sa concert! aba aba!!! exagg ang compli ticket ni kuya. ticket pala ng sponsor! napanis ang expensive ticket ko. sa pagpipilit, sumama si b kahit mamimiss nya cantonese class nya. sa wakas, meron pang magpipicture! woohoo!!! wala akong balak magdala ng camera. nandun ako para i-enjoy ang concert. buti na lang andun si b para idocument ang event!

so ayun, pasok na sa venue. exagg ang ticket! second row from the stage! as in pag may mga epal na lalapit sa stage mula sa likod, pwede mo silang awayin at sabihan na bumalik sa pwesto nila. you get outta here lowlifes! you see, we got sponsor tickets! un na! saktong dating namin ang pagpasok nila. as in parang hinintay lang kameng dumating para magstart na sila. how sweet.

starstruck is an understatement. tumigil ang tibok ng puso ko. nagflashback lahat ng panahon na kinilig ako sa kanya. naihi pa ata ako ng bahagya. nanginig daliri ko. namental block ako. ganun ang effect ni piolo. i swear!

at knowing 99% ng attendees ay kababaihan..naku, puro tili talaga! sigawan to the highest level! itong si b, nagtatampo pa kunwari. masyado daw nakakabastos na sobra akong kiligin samantalang katabi ko lang sya. ewan kung anong sinabi ko at pinabayaan nya na lang ako. buti na lang may camera at nalilibang sya pagkuha ng pictures. kalaunan sya pa ang nagtutulak saken para makalapit at mahawakan ang mga artista. yan ang supportive boyfriend!

aaminin ko hindi ko masyadong trip ang pagkanta nya. napakanormal ng boses, ang boboring pa ng kinakanta. pero taena, ang gwapo nya talaga. ung gwapo na kaya ka nyang ihypnotize para isipin mong singer material sya.

at itong si sam milby? in fairness marunong naman kumanta. pero ang lolo, hindi flawless, promise! as in from my seat nakikita ko ang numerous zits sa may jaw area. saka parang may mali sa mukha nya. parating nakangiti. walang moment na di ko nakitang nakatago ngipin nya!

o ito na ang pictures! ang dami pa pero tinatamad na ko magupload. ung last picture un ang patunay na nahawakan ko si piolo! ako ung may black checkered scarf. promise first time ko lang gawin un! at least ung kay jericho dati may dignidad ng bahagya. ito wala talagang kapoise poise. tapos nung nahawakan ko sya, ayaw kong bitawan. as in kailangan nyang hatakin kamay nya para makamove sa ibang hayok na ale na katulad ko. si sam di ko nahawakan. tama ba namang two persons from my left, bigla na syang tumigil at lumipat sa ibang area. booo!







No comments: