coron, palawan.
i may not be a good swimmer, but i love snorkeling. i snorkeled in batangas in 2006 and i decided that i can keep doing that everyday. then i went to boracay. grabe ang arrive ng boracay! ang ganda ganda! exagg! feeling mo talaga nasa aquarium ka... pero takot na takot kameng tatlo nina reah at nette nun. so kung saan lang tumigil ang boat, dun sa area na un lang ang sinisid namen. buti na lang ok ang area na napili ng boatmen.
pero naman sa coron... basta ba may pera ka...masusulit mo ang bakasyon mo. ang pinaghihirapan ko sa hk ng 10 araw, gagastusin ko lang dun sa loob ng 48 oras. pero sulit kung sulit! we went to not one, not two, not even three, but five different sites! five! that's three plus two! four plus one! exagg!!! ang galing galing! at eto ang biggest catch! ung assistant ng boatdriver, the best. at sya ang mala-diving instructor namen! we devised a plan na may lubid kameng tatlo.. sya ang nasa una, gitna ako, huli si bena... para just in case magpanic kame ng kapatid ko, we'll just reach for the rope and we're still on track.. dito talaga naikot namen ang dapat ikutin! exagg! snorkeling at its finest! we went snorkeling at three different sites of the south china sea. siete pecados. banana island. bador island. ung first two medyo nadisappoint ako kase parang mas ok ang boracay. pero lahat un nabawi ng bador. ang ganda talaga. minsan umaahon kameng tatlo at nag-uusap. we were saying: "parang bituka no?" or "parang utak ng tao no"? dun mo talaga maaappreciate ang marine life. medyo pasaway nga lang pauwi kase ang lakas ng ulan. manginginig ka sa sobrang lamig dahil kalaban mo lahat ng hangin sa boat tapos basa ka pa.. so pag tinamaan ka talaga, pneumonia aabutin mo.
the last two sites were on cayangan and barracuda lake. exagg din!!! un talaga ang nagsabing kakaiba ang coron. best way to wrap up this vacation. alam mo ung mga pelikulang bigla na lang tatalon ang bida sa super taas na bangin tapos presumed dedo na sya after that? abysmal kumbaga. well sa gitna nun lagyan mo ng lake with clear waters. ung ang baracudda at cayangan! ang ganda ng rock formation kapag nababad na ung rocks sa water. ung marine life makikita mo sa ibang dive sites. pero ung site talaga sa 2 lakes na to, parang sa sagada, only one million times better with an aquamarine background.
nag-hot springs din kame sa maquinit. isa pang exagg un! sa sobrang init, uusok ka din pagka-ahon mo.. buset lang kase may mga lalaking trying to hit on you.. sinasagot mo na lang ng oo at hindi para hindi ka magmukhang bastos. sobrang relaxing kase. it's the best way to soothe your working body. papanawan ka lang talaga ng ulirat after one hour kase talaga madedrain ang katinuan mo. pero ok talaga sya.
booboos:
1. tumirik ang tricycle namen - twice. sa isang makitid na rough road na walang kailaw ilaw. buti na lang nawarningan kame na magdala ng flashlight. kung hinde, hay nako, wala na sigurong nagsusulat sa blog na to ngayon.
2. natanggal ang elisi ng boat in the middle of the sea. que malaki, que maliit, malas lang siguro talaga kameng pasahero.. haha!
but overall, it was the best vacation ever. with one of my most favorite persons in the world, and with much money to spend, it's the best 2008 moment so far! yeba!
No comments:
Post a Comment