yung unang syota ko, panay ang pangungulit saken sa facebook. iniignore ko na nga, panay pa sya magdrama sa messages. gusto ko na nga syang iblock... pero so far nakokonsensya pa ko. hehe. parang gusto pa atang makipagbalikan, or basta nag-eenjoy sya sa kabaliwan nya. wag na no! wa type. kinalimutan ko na lahat ng relationships ko sa pinas.
then last week nagconcert ang up dharma down dito.. saan ka pa, andun si last ex. o di ba? kasama nya pa syota nya, yung kasunod ko. deadmahan talaga kame. as in isang dipa na lang layo namin sa isa't isa pero parang hangin lang kame to each other. completely fine. wala talagang panghihinayang. walang crazy moment for me. ang inisip ko lang, buti na lang sexy ako that night. maganda din naman si girl... pero at least di ako mukhang basahan. nagkita pa kame sa banyo nung girl. hahaha! ilang beses kong pinaplano sa utak ko dati kung anong gagawin ko kung magkita kame.. pero when the moment came, wala smile lang ako. this is what maturity can do to you, you know? minsan ayaw mo na ng drama. masaya na sila. masaya naman ako. di namin kailangan maging friends, pero di rin kailangan magsiraan ng buhay. i dont wish them well... but i can say good for them.
then eto na naman si b. alam mo ba tumawag sya last december. namali ng tawag at nagpipilit ng hook up! my goodness!! douchiest move! sya ang favorite ex ko at mas prefer kong we parted ng walang hatred to each other. we dont have to be friends pero at least pag tinanong ako ng mga tao sa kanya di ako sisimangot. syempre sya pinakaminahal ko no! then ayan! putek, super douche! i was waiting for him to apologize the next day kahit text man lang. pero wala talaga. oki lang nananahimik na naman ako, biglang a few weeks ago nagtext yung friend nya saken at sasama daw sa hikes ko.. at sasama daw sya. sabi ko ok lang.
at syempre ang lola mo, nag-attempt magdiet para sa aming pagkikita. na di naman napanindigan, hahahaha! iniisip ko kung sinasama ko nga newly met friends sa hikes, bakit di naman yung naging buhay ko for a couple of years? ang sagot... kase itong taong to may painful history. at recently may kagaguhan syang ginawa. better concentrate on the new friends than go back to the past which took me more than a year to get over with. alam mo naman kung ano'ng ordeal dinaanan ko makamove on lang. in the end di rin sila natuloy. which i think is for the better. alam mo bang for weeks iniistalk ko sya sa fb, pati yung mga kaibigan nya na tingin ko kasama nya sa activity nya.
so ayan blocked na sya ulit. tinanggal ko na din yung 2 bestfriend nya. pag kase nakita kong kumain sila sa cheung chau, tignan ko ulit profile nya. everyday. sabi ko hindi na yun healthy. tama na. dadaan na naman ba ako sa long period of moving on. antagal ko tinrabaho to get to be an emotionally stable person. so better remove all the resources that can connect me with him. like i said to myself, i do it for me.
No comments:
Post a Comment