pls pls spare me this moment. kase sasabog talaga ko kung di ko ilalabas. then after this ok na. promise! i swear getting back with him is not an option but i cannot try to just brush it away, kahit sandali lang kame. i just have to write it. no more decency, gusto ko lang ilabas. kase sobrang asshole talaga ng ex kong to, at kahit gusto kong ikibit balikat na lang, kelangan ko talagang ilabas.
a,
alam mo ikaw na siguro ang pinakanega'ng taong nakilala ko. actually first few times pa lang tayo lumalabas napapagod na ko kinakausap ka lang. actually sinabi ko naman sa yo, na ang hirap mong maging kaibigan. lahat kinokontra mo. simpleng mali lang ng construction ng sentence (na understandable pa din naman) pinapalaki mo pa. buti sana kung tinatama mo lang (na di naman kelangan in the first place), you make the person feel as if he/she needs to beg you for forgiveness. ung mga time na malabo akong kausap... buti sana kung gusto mo lang ng clarification para makuha mo ung message, talagang binibigyan mo pa ko ng hard time... para ano? para lumuhod ako sa harap mo? after mo ko igrill at ipamukhang sobrang stupid ko, di ka naman interesado sa gusto kong sabihin.
saka ung time na inaaway mo ko because of my travel plans... what the fuck is that? i work my ass off every bloody day, siguro naman deserve kong lumigaya sa paraang gusto ko. feeling mo naman nakikisabay ako sa mga 'sosyal' kong friends na di ko afford? pera ko yun ok? ung ibang tao nagshoshopping, iba umiinom, iba nambabae para lumigaya sila. ako bumibiyahe. masama ba yun?
nung maging tayo, ang dami mong binigay na rules. walang lokohan, walang yosi, walang ganito, walang ganyan. 2 lang naman ang saken di ba? ang sabi ko wag mo ko ilalayo sa mga kaibigan ko, at ayoko ng pda. sobrang agree ka pa dun sa una. sabi mo pa "oo naman di kita aagawin sa kanila. di ko gagawin ung ginawa ng ex mo na nilayo ka sa mga kaibigan mo"... pero punyeta, yun pa ang isa sa mga reasons mo bakit gusto mo makipaghiwalay?! ang labo labo mo tsong! di ka naman iniisnab ng mga kaibigan ko. lahat sila nageeffort na kausapin ka. sige nga magbigay ka ng time na ikaw ang nagstart ng conversation. di ba sila laging nagrereach out sa yo? feeling mo naman lahat ng tao estudyante mo at kelangan lagay ka sa pedestal. it's a real world of adults, lahat ka-level mo. enough of your need for adoration. they dont validate you as a person. may drama ka pang "sign kase yun na mas pipiliin mo ung mga kaibigan mo kesa saken" after ng paris incident. overanalyzing ata hobby mo. gusto ko lang sama-sama tayo, gusto mo iwanan pa sila para lang ma-test ang loyalty ko sa yo. wow, ito na ba ang sukatan ng pagmamahal ngayon?
wala pa tayong 24 hours na magsyota, tinanong mo na ko ng derechahan, "may gusto ka ba kay L?" sabi mo basta sabihin ko lang ang totoo at never mo na ko tatanungin ulit. ang sabi ko: "mahal ko sya dati, pero matagal nang wala. nung kame na ni b wala na (hello, 2.5 yrs kame nun). tinignan mo ko ng matagal, tapos niyakap mo ko. so di ba, wala ng issue dapat. pero may goodness, LAHAT na lang ng gawin ko na related sa kanya, pinapalaki mo. tumingin lang ako sa direksyon nya, galit ka na. tumawa lang ako sa joke nya galit ka na. tignan ko lang picture nya galit ka na. maraming maraming beses mo kong inaaway dahil sa kanya. sabihin mo nga, in all fairness, valid ba ung pang-aaway mo? may ginagawa ba ko sa kanya na unusual na di ko ginagawa sa ibang male friends ng group? my goodness ang dami mong issues! alam mo ba nag-eeffort na nga akong di syang kinakausap nung maging tayo. pag nagpupunta tayo sa kanila halos di ko na sya pinapansin. sa msn na lang kame naguusap pag asa work ako.
feeling ko lang ha, matagal mo na gustong makipagkalas hinintay mo lang ung kota kinabalu. so ung pang-aaway mo saken sa KK unti unti na yun no? what an asshole move na natulog kang inaaway mo ko at talagang hiwalay tayo ng kama. at baket? kase inaway kita dahil 'binabastos' mo ko habang nagiinternet ka sa kindle mo habang naghihintay tayo ng dinner. speaking of which, ang immature lang na nagrarant ka as fb about me? wow, 34 year old ka ba or 14? actually for a 14 year old di din na excusable un. sino kaya mas bastos saten nun?
natataranta nga ko pag kasama kita. alam mo bang nagwhawhatsapp lang ako sa mga kaibigan ko pag weekends pag nagbabanyo ka? my god, feeling ko may kabit akong tinatakas sayo. all because of what? dahil feeling mo mas feel ko pa kasama ang mga kaibigan ko kesa sayo? let's go back to rant #1. actually sa totoo lang mas masaya ako sa kanila. kase kahit iba iba kame ng gusto, we dont look down on each other. di ko nararamdaman na im never good enough. e ano kung di ako nagbabasa nang mga bigating libro na binabasa mo, ibig sabihin ba nun bobo na ko? kaya ba di ka man lang nakikipagkwentuhan saken about stuff na nabasa mo, nangyari sa buhay mo? kase di ko din maiintindihan? sabi mo judgmental ako, dahil sa mga sinasabi ko about sa jologs mong frat. ako sinasabi ko lang ang perception ng tao sa frat nyo. pero after mong sabihin na tigilan ko na, tumigil naman ako di ba? pero ikaw kahit anong gawin ko makacatch up lang sa mga gusto mo, di mo pa din nakikita un. ang nakikita mo lang, isang happy go lucky traveler na mahilig sa shitty music at di mahilig magbasa at tanga. sinong judgmental ngayon?
tinanong kita dati kung bakit mo ko nagustuhan. ang natatandaan ko lang na sinabi mo: 1) dahil di ka nagsisimba, at 2) dahil gusto mo ung paghandle ko sa drivers nung nag-iloilo tayo. sabi mo ang galing ko makipagnegotiate, parang ok akong kasama sa future. wow, asset pala ako sa pag-angat mo. tapos di ka pa pipilitin magmisa. nung nagpunta tayo sa KK, sabi mo after mo maggraduate tigil ako sa work, mag-aaral na muna ko ng MBA. para magamit ang sales experience ko at wala akong mapupuntahan kung wala akong mba tulad mo. kinilig ako, dahil lang sa thought na libre ang pag-aaral. pero naisip ko, di ba alam mo namang ayoko ng corporate world? im just stuck in the moment, pero im dying to get out. alam mo namang gusto kong magturo, magplan ng events, or magpicture. pero i guess wala un sa plano mo. kelangan mo ng syotang mataas ang pinag-aralan at may postgrad degree.
i've been imagining the day na tanungin ako tungkol sayo. minsan naisip ko na sasabihin kong, di lang nagwork, good guy ka, good girl ako, pero di tayo good together. pero tae, sa lahat ng pasakit mo saken magpapakadecent pa ba ko? the best answer is: i realize im not getting any younger. life is to short to be spent with assholes.
oh and by the way, i hope your blue pills still work with your next girlfriend. because frankly, kung ganyan ka magtreat sa aming 8 ex gf's mo, the least you can do is to sustain for at least one session. sama na nga ng ugali, di pa kayang tumagal.
ayokong bumawi at sabihin ang mga iilang magagandang bagay na ginawa mo saken. di mo deserve yun. sana na lang yumaman ka, at sana lumigaya ka sa kayamanan mo.
blsm
No comments:
Post a Comment