Saturday, January 2, 2010

im back

super dami kong kwento. wala pa kong kwento nung south africa. tapos ung christmas party pa pala! and christmas celeb. and my almost swine flu ordeal. next posts na ung mga un. alas tres na ng madaling araw at naisipan ko magsulat ulit.

naisip kong tigilan na ang mag-blog kaya di ako nagpaparamdam ng matagal.

kase bakit nga ba nagbablog? para ipangalandakan sa mundo ang naiisip mo, ang nararamdaman mo, ang na-experience mo? e ano naman pakelam ng mundo? unless artista ka para pagpyestahan ang mga eskandalo mo sa buhay, ano nga pakelam ng mundo?

e bakit ba, feeling star ako! so kahit walang kebs ang mundo, dahil feeling star ako, magboblog ako.

anyway, since new year, gusto ko maiba... di ko na gagawan ng new year's resolutions ang 2010. di naman nagwowork. cantonese at di japanese ang inaral ko. ung inenroll kong class sa cuhk naggive up ako after ng first paper. tapos wala pa din akong alam na musical instrument.

so tama na ang promises. gawin ang nais gawin. gusto kong ibalik ung sarili ko nung first time akong dumating ng hk. gagawin ang gustong gawin. pupunta kung saan. every night tatanungin ang sarili kung ano ang ginawa ko ng 'first time'. bara-bara. kanya kanyang sorpresa.

wala ng ring emo. naglook back ako sa buhay ko for the last ten years. kung hindi in a relationship, still pretending to be in a relationship, or pathetic to be in a relationship. parati na lang for the love of relationship. parating may another person involved. tama na. palitan na. magiging masaya ako on my own. less hassle. less stress.

so 2010, malakas ang vibes ko sa 'yo. 2009 is ok but not exceptional. ok lang sya nung first half pero boring to death na nung last quarter. buti na lang may south african trip to save it. pero sa yo 2010, feeling ko talaga, magiging best year kita. cheers 2010!

1 comment:

menchu said...

relationship?? bakit are you single???