Sunday, August 16, 2009

that thing called 'romance'

kapag ba wala ng spark, wala na ring love?
masama ba kung maghanap pa din ng romance kung matagal na 'kayo'?

siguro nasobrahan ako ng kakapanood ng one tree hill. pati na din ng got to believe. siguro masyado na akong nadadala ng wedding videos ng threelogy productions. siguro napapaniwala ako ng romance books at 'awwwwww' videos sa youtube. siguro napurga na ako sa love songs from my ipod.

pero nangyayari naman un di ba?! bakit ba naten iniisip palagi na di pwedeng mangyari un sa'tin? i believe na entitled tayo sa ilang 'aaaawwww' moments every lifetime.

mararamdaman mo ung feeling na 'kahit maubos ang ipon ko, sabihin lang ni (girl's name), papakasalan ko sya every year'. or di ka makaconcentrate sa ginagawa mo dahil namimiss mo sya. or ung tatawag ka bigla kase pineplay ung theme song nyo at naalala mo sya. or pag may nabili kang masarap na food, bibili ka pa ng isa para i-share mo sa kanya. or sosorpresahin mo sya sa bahay nya.

nawawala ba lahat to pag comfortable na kayo sa isa't isa? or siguro nawala na lang talaga ung spark. nawala na lang ung love.

No comments: