tinitignan ko ung friendster photos ng isang high school mate ko. ka-batch sya ng kapatid ko (meaning two years younger sya saken) at nakita kong pagraduate na sya ng law sa UST. mabait na bata un at wala akong anumang bagay laban sa kanya..
pero takte, buti pa sya! teka, more on: takte, bakit sya???
di naman sa pagmamayabang, mas matalino ako dun. pero a yr from now (sakaling pumasa sya ng bar exam), attorney na sya. ako isang hamak na marketing executive pa din.
grade 3 pa lang ako pangarap ko nang maging abogada. di ba mga usong pelikula nung early 90's ung mga action movie na pinapatay ung mga abogadong pinaglalaban ang tama? binalaan pa ko ng service driver namin dati na delikado ang buhay abogado. pero di pa din talaga ako nagpatinag. gusto kong maging abogada period.
haaay... sana mayaman na lang kame. para makapag-aral ako at meron pa ding magbibigay ng allowance saken. tapos di ko kailangan magtrabaho para mag-abot ng pera sa bahay.
may ipon ako. pero pang-isang taon lang un sa law school. aaaahhhh! hirap kumita ng pera!
No comments:
Post a Comment